LOOK: Mayor Moreno, binisita ang ginagawang Binondominium sa Maynila

By Angellic Jordan November 05, 2020 - 04:18 PM

Manila PIO photo

Binisita nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan ang ginagawang Binondominium sa Lungsod ng Maynila sa araw ng Huwebes, November 5.

Ayon sa alkalde, nais niyang mai-connect ang in-city vertical housing program sa katabing basketball court.

Aniya, ito ay upang magkaroon ang mga uupa ng kanilang sariling activity area.

“Gagawa tayo ng access kasi dingding yan eh, oh edi mayroon na silang basketball court nila, activity area. Tapos tagos sa park, gagawa tayo ng eskinita diyan para yung tao may pasyalan diyan sa paraiso ng Delpan,” pahayag ni Moreno.

Ang 15-storey building ay kayang mag-accommodate ng 126 pamilya.

May laking 40 square meters at dalawang kwarto ang bawat unit.

Manila PIO photo

TAGS: Binondominium, Inquirer News, Mayor Isko Moreno, Radyo Inquirer news, Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, Binondominium, Inquirer News, Mayor Isko Moreno, Radyo Inquirer news, Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.