#SionyPH, patuloy na tinatahak ang Luzon Strait
Patuloy na tinatahak ng Severe Tropical Storm Siony ang Luzon Strait.
Batay sa huling severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 360 kilometers Silangan ng Basco, Batanes dakong 1:00 ng hapon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-Kanluran sa bilis na 25 kilometers per hour.
Bunsod nito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal number sa mga sumusunod na lugar:
Signal no. 2:
– Batanes
– Babuyan Islands
Signal no. 1:
– Northern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Allacapan, Santa Teresita, Buguey, Camalaniugan, Aparri, Ballesteros, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Claveria, Santa Praxedes)
– Northern portion ng Apayao (Santa Marcela, Luna, Calanasan)
– Northern portion ng Ilocos Norte (Adams, Pagudpud, Bangui, Dumalneg, Burgos, Vintar, Pasuquin, Bacarra)
Patuloy na kikilos ang bagyo pa-Kanluran o Kanluran Hilagang-Kanluran sa susunod na 48 oras.
Ayon sa weather bureau, maaaring mag-landfall ang sentro nito o lumapit sa bisinidad ng Batanes o Babuyan Islands, Biyernes ng umaga (November 6).
Inaasahan namang lalabas ang bagyo ng Philippine Area of Responsibility sa Biyernes ng hapon o gabi.
Babala ng PAGASA, sa susunod na 24 oras, asahan ang kalat-kalat na mahina hanggang sa katamtaman na kung minsan ay mabigat na pag-ulan sa Pangasinan at ilang parte ng Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, at Mindanao.
Moderate to heavy rains naman ang iiral sa Batanes at Babuyan Islands dahil sa Bagyong Siony simula Biyernes ng madaling-araw.
Samantala, isang low pressure area (LPA) sa labas ng bansa ang tinututukan din ng PAGASA.
Huling namataan ang LPA sa layong 1,920 kilometers Silangan ng Visayas.
Posibleng pumasok ng teritoryo ng bansa ang bagyo sa Biyernes o Sabado, November 7.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.