Ilang lugar sa CALABARZON, makararanas ng pag-ulan

Asahang makararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa CALABARZON.

Batay sa thunderstorm advisory dakong 1:18 ng hapon, katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin ang iiral sa Laguna, Batangas at Quezon.

Maaapektuhan din ang Zambales partikular sa Santa Cruz, Candelaria at Masinloc.

Ayon sa weather bureau, iiral ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.

Read more...