Bayanihan matapos ang bagyong Rolly pairalin ayon sa Malakanyang
Hinihimok ng Palasyo ng Malakanyang ang publiko na pairalin ag diwa ng bayanihan matapos ang pananalasa ng bagyong Rolly.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay para agad na makabangon ang mga nasalanta ng panibagong kalamidad.
Sa ngayon, puspusan aniya ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan na magsagawa ng rehabilitasyon.
Halimbawa na lamang aniya ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), na nakapagbigay na ng P18.2-M assistance sa NCR, Regions II, III, CALABARZON, MIMAROPA, V, VIII, at CAR
Nakapagbigay na rin aniya ang Department of Health P540,440.00 na halaga ng hygiene kits at collapsible water drinking containers at P402,741.20 halaga ng mga gamot.
Sa panig naman Department of Energy, pinakilos na nila ang Task Force Kapatid kung saan ang Region 8 Electric Cooperatives-Task Force Kapatid at Task Force Kapatid Isabela Electric Cooperative 2 (ISELCO) ay patungo na ng Bicol Region at Marinduque para tumulong sa pagbabalik sa suplay ng kuryente.
Ayon kay Roque bukas na rin ang lahat ng airports at seaports.
Animnapung tonelada ng reief goods at supplies ang ikinarga sa Philippine Coast Guard’s BRP Gabriela Silang na ngayon ay patungo na sa Catanduanes.
Sa panig Department of Public Works and Highways, 26 road sections ang nalinis na at maaring madaanan na ng mga sasakyan
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.