Severe Tropical Storm Siony napanatili ang lakas; Signal No. 2 nakataas sa Batanes at Babuyan Islands
Napanatili ng severe tropical storm Siony ang lakas nito.
Ang bagyo ay huling namataan ng PAGASA sa layong 475 kilometers East ng Basco, Batanes.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers bawat oras sa direksyong pa-kanluran.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometers bawat oras.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Batanes at Babuyan Islands.
Signal number 1 naman ang nakatas sa sumusunod na mga lugar:
– northern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Allacapan, Santa Teresita, Buguey, Camalaniugan, Aparri, Ballesteros, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Claveria, Santa Praxedes)
– northern portion ng Apayao (Santa Marcela, Luna, Calanasan)
– northern portion ng Ilocos Norte (Adams, Pagudpud, Bangui, Dumalneg, Burgos, Vintar, Pasuquin, Bacarra)
Ang sentro ng bagyo ay maaring dumaan o tumama sa kalupaan ng Batanes o Babuyan Islands bukas ng umaga.
Bagyo ang pagtama sa lupa, lalakas pa ito at aabot sa typhoon category.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.