Bilang ng nasawi sa buong mundo dahil sa COVID-19 nadagdagan ng mahigit 10,000

Umabot na sa 1,230,100 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER, pinakamaraming bilang ng nasawi sa US na umabot na sa 239,819.

Umabot naman na sa mahigit 161,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Ang death toll sa India ay mahigit 124,000 na.

Habang ang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 92,000.

Umabot naman na sa mahigit 34.6 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 12.5 million pa ang aktibong kaso.

Narito ang bilang ng mga nasawi sa iba’t ibang ng mga bansa:

USA – 239,819
Brazil – 161,170
India – 124,354
Mexico – 92,593
UK – 47,250
Italy – 39,412
France – 38,289
Spain – 36,495
Iran – 36,160
Peru – 34,623

 

 

 

 

Read more...