Magat, Binga at Ambuklao dams nagpapakawala pa din ng tubig

By Dona Dominguez-Cargullo November 05, 2020 - 09:12 AM

Patuloy sa pagpapakawala ng tubig ang tatlong mga dam sa Luzon.

Sa update ng PAGASA Hydrology Division, alas 9:00 ng umaga ngayong Huwebes, Nov. 5 ang water level ng Magat Dam sa Isabela ay nasa 188.97 meters.

Mayroon itong isang gate na nakabukas at nagpapakawala ng 0.5 meters na tubig.

Kabilang sa mga munisipalidad na maaring maapektuhan ng pagpapakawala ng tubig ay ang Ramon, San Mateo, Aurora, Cabatuan, Luna, Reina Mercedes, Burgos, Naguilian at Gamu.

Samantala, alas 9:00 din ngayong umaga ang water level ng Ambuklao Dam ay nasa 751.26 meters.

Mayroon itong isang gate na nakabukas.

Nasa 574.24 meters naman ang water level ng Binga Dam.

Sa abiso ng PAGASA, pinag-iingat ang mga residente sa Barangays Dalupirip, at Tinongdan sa Itogon, Benguet.

 

 

 

TAGS: Ambuklao dam, Binga dam, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Magat Dam, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Ambuklao dam, Binga dam, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Magat Dam, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.