Mahigit kalahating milyon na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa buong mundo sa magdamag
Umabot sa mahigit kalahating milyon ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Huwebes, (Nov. 5) ay 48,411,496 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 568,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang US ay nakapagtala ng mahigit 105,000 na dagdag na mga kaso.
Mahigit 50,000 naman ang bagong kaso na naitala sa India.
Ang Brazil ay nakapagtala lang ng dagdag na 23,000 na mga kaso.
Ang France ay nakapagtala ng mahigit 40,000 na bagong kaso.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
USA – 9,798,819
India – 8,363,412
Brazil – 5,590,941
Russia – 1,693,454
France – 1,543,321
Spain – 1,356,798
Argentina – 1,205,928
Colombia – 1,108,084
UK – 1,099,059
Mexico – 938,405
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.