Mga sementeryo sa bansa bukas na muli simula ngayong araw

Simula ngayong araw, Nov. 5 ay bukas na muli sa publiko ang mga sementeryo sa buong bansa.

Ito ay makaraang isara ang mga sementeryo simula Oct. 29 hanggang Nov. 4 upang maiwasan ang pagdagsa ng publiko sa panahon ng paggunita ng Undas.

Pasado alas 6:00 ng umaga, mayroon nang mangilan-ngilan na nagtutungo sa Manila North Cemetery.

Mahigpit pa ring pinaiiral ang health protocols sa mga nagtutungo sa sementeryo.

Ipinatutupad ang “No Face Mask No Face Shield No Entry” at mahigpit na pinaiiral ang social distancing.

 

 

 

 

Read more...