Traffic plan para sa Semana Santa, pagpupulungan ng MMDA at LGU

 

Inquirer file photo

Nakatakdang makipagpulong ng Metro Manila Development Authority o MMDA sa mga Local Government Units sa Metro Manila ngayong araw, Miyerkules.

Ito’y upang planuhin ang ilulunsad na ‘Oplan Metro Alalay Semana Santa sa susunod na linggo.

Ayon kay Cris Saruca ng MMDA Traffic Discipline Office, karaniwang nakikipagtulungan ang MMDA sa mga LGU sa Kalakhang Maynila tuwing Holy Week upang planuhin ang traffic contingencies sa naturang panahon .

Una rito, inanunsyo na ng MMDA na exempted sa number coding ang mga provincial buses na babyahe sa March 23.

Ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga byaherong uuwi sa kani-kanilang probinsya ngayong Semana Santa nang mas maaga.

Inaasahan ng MMDA na sa naturang petsa na dadagsa ang mga byahero sa mga bus terminal upang maagang makauwi sa kanilang mga lalawigan.

Samantala, wala pa namang inaanunsyo ang MMDA sap ag-aalis ng number coding para s amga city buses a t iba pang behikulo sa Holy Week.

Read more...