500 yero ipinadala ng Red Cross sa Catanduanes
Nagpadala ng 500 piraso ng GI Sheets ang Philippine Red Cross (PRC) sa lalawigan ng Catanduanes.
Ayon kay Red Cross Chairman at Senator Richard Gordon, ang masisilungan ang labis na kailangan ngayon ng mga pamilyang naapektuhan ng bagyo.
Inaasahang darating ngayong hapon ang mga yero sa Catanduanes na isinakay sa BRP Gabriela Silang ng Philippine Coast Guard (PCG) kasama ang mga relief packs at iba pang mga tulong para sa mga nasalanta ng bagyo.
“REBUILDING HOMES, REBUILDING LIVES. Dahil sa dami ng nasirang tahanan sa Catanduanes, tayo ay agad na nagpadala ng 500 pcs na CGI sheets na inaasahang darating mamayang hapon upang magkaroong muli ng masisilungan ang mga pamilyang tinamaan ng bagyong #RollyPH,” ayon kay Gordon.
Tiniyak naman ni Gordon na magpapatuloy ang pag-asiste ng Red Cross sa mga nasalanta ng bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.