Burgos, Surigao del Norte niyanig ng magnitude 5.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Norte.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 10 kilometers southeast ng bayan ng Burgos, alas-2:27 madaling araw ng Huwebes (November 5).

May lalim na 28 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala ang instrumental intensity 2 sa Surigao City.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Read more...