Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 54,823

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Miyerkules (November 4, 3:00 PM) nakapagtala ng 312 na bagong kaso kaya pumalo na sa 54,823 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 15,171
Laguna – 15,217
Batangas -9,526
Rizal – 11,100
Quezon – 3,809

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 7,582.

Nasa 45,780 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 249 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 12,705
Laguna – 13,419
Batangas – 8,535
Rizal – 8,906
Quezon – 2,215

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 12 kaya umabot na sa 1,461 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 397
Laguna – 314
Batangas – 277
Rizal – 361
Quezon – 112

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay.

Read more...