Halos 100 bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Western Visayas

Nagpositibo ang 98 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.

Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang November 4, umakyat na sa 17,274 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

3,027 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Sinabi nito na 79.32 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.

112 naman ang gumaling pa kaya 13,827 na ang total recoveries sa Western Visayas.

Umakyat naman sa 420 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.

Read more...