Mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong City, nasa 150
Napaulat ang 22 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 3:34, Martes ng hapon (November 4), 5,527 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 150 ang aktibong kaso.
Wala nang itinuturing na probable cases habang 1,175 ang suspected cases kung saan 21,483 ang cleared na.
23 naman ang mga bagong gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 5,202 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.
Samantala, 175 na ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.