‘Pulis Makatao, Malasakit’ Centers inilunsad na
Nagsagawa ang Philippine National Police (PNP) ng nationwide simultaneous launching ng ‘Pulis Makatao, Malasakit’ Centers, araw ng Miyerkules, November 4.
Pinangunahan ni PNP Chief Police General Camilo Cascolan, katuwang ang PNP Command Group, ang launching ceremony sa Camp Crame, Quezon City habang ang iba pang Police Regional Offices ay nagdaos din ng sariling seremonya sa pamamagitan ng video conference.
Binuo ito upang magsilbing one-stop shop sa mga PNP Uniformed at Non-Uniformed Personnel at kanilang dependents na kailangan ng tulong pagdating sa medical services, education, housing, livelihood, retirement claims at iba pang social concerns.
Si Senator Christopher “Bong” Go ang nagsilbing Guest of Honor at Speaker sa naturang event.
Sa kaniyang talumpati via video conference, kinilala ni Go ang mga sakripisyo at serbisyo ng mga pulis bilang isa sa frontliners sa gitna ng pandemya.
Ang ‘Pulis Makatao, Malasakit’ Center ang bahagi ng 9 Strategic Thrusts ng PNP Chief upang maiangat ang moral at kapakanan ng PNP personnel at facility development.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.