Siyam pang residente sa Navotas City, tinamaan ng COVID-19

Nasa siyam ang bilang ng mga nagpositibo pa sa COVID-19 sa Navotas City.

Sa huling datos hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (November 4), umakyat sa kabuuang 5,156 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 58 ang aktibong kaso o katumbas ng 1.1 porsyento.

Lima naman ang gumaling pang residente sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 4,950 na ang total recoveries o 96.0 porsyento ng kabuuang naitalang kaso sa lungsod.

Nanatili naman sa 148 ang pumanaw o 2.9 porsyento.

Read more...