LOOK: Mayor Sara Duterte, bumisita sa Catanduanes

Photo credit: Gov. Boboy Cua/Facebook

Bumisita si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa Catanduanes, araw ng Miyerkules (November 4).

Isa ang Catanduanes sa mga probinsya na matinding sinalanta ng Bagyong Rolly.

Ibinahagi ni Govenor Joseph Cua sa Facebook ang mga larawan ng pagpunta sa Virac ng Presidential daughter.

Ayon kay Cua, pumunta ang alkalde upang ipamahagi ang suporta at tulong na aabot sa P1.5 milyon sa probinsya.

Nangako rin aniya si Mayor Sara na ipaparating sa kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte ang sitwasyon at mga pangangailangan ng Catanduanes.

Read more...