Trump, ipinahayag ang pagkapanalo sa US election

AFP photo

“We did win this election.”

Ito ang naging pahayag ni U.S. President Donald Trump ukol sa eleksyon kahit hindi pa lumalabas ang pinal na resulta ng botohan.

Nagbigay ng talumpati si Trump sa kasagsagan ng election night sa White House sa Washington, DC Miyerkules ng madaling-araw (November 4).

“This is a fraud on the American public,” pahayag pa nito.

Dahil dito, sinabi ng Republican President na pupunta siya sa Supreme Court upang ipatigil ang pagbibilang ng mail-in ballots.

“We want all voting to stop,” saad nito.

Inanunsyo ng Trump administration at Republican party ang kanilang pagdududa sa voter registration at mail-in ballots sa buong Estados Unidos.

Read more...