Nakaalis na ang isang C-130 na puno ng relief goods patungong Catanduanes.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, puno ang C-130 ng tubig, pagkain at iba pang pangangailangan ng mga residenteng nasalanta ng bagyong Rolly.
Ayon kay Roque umalis ang C-130 alas 8:00 ng umaga.
Gaya aniya ng kanyang pangako kay Catanduanes Governor Joseph Cua, aayudahan ng national government ang Catanduanes para agad na makabangon sa trahedya.
Una nang sinabi ni Cua na problema sa catanduanes ngayon ang suplay ng tubig at pagkain.
Isa ang Catanduanes sa matinding hinagupit ng bagyong Rolly.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.