Globe WiFi Jeepney dinala sa ilang bahagi ng Camarines Sur at Marinduque

Inumpisahan na ng Globe ang relief efforts nito sa mga lugar na nasalanta ng Super Typhoon Rolly.

Katuwang ang Rise Against Hunger at Ayala Foundation, naghatid ng food packs ang Globe sa aabot sa 600 pamilya sa Tiwi at Malinao Albay.

Napagkalooban din ng meal packs ang 360 na pamilya sa evacuation centers sa Sagn͂ay, Calabanga, at Lagonoy sa Camarines Sur.

May itinalaga na ding Globe WiFi Jeepney para magbigay ng Libreng Tawag, Libreng Charging at Libreng WiFi sa Baao, Camarines Sur, at sa Sta. Cruz at Poblacion sa Marinduque.

 

 

 

Read more...