Pagtalakay sa Panukalang DDR sa Senado ipinanawagan ni Senador Bong Go; Responde ng pamahalan sa mga sakuna dapat gawing maagap
Welcome para kay Senador Christopher “Bong” Go ang mga samu’t saring opinyon, pananaw at posisyon ng mga kasamahan niya sa senado hinggil sa panukalang-batas na magtatatag ng Department of Disaster Resilience (DDR).
Iyan ay matapos na kontrahin nina Senators Richard Gordon , Panfilo Lacson at Franklin Drilon ang panukalang bubuo sa DDR, sa paniwalang ang Ilang mga kasalukuyang ahensiya ng gobyerno ay may kahalintulad ng mandato sa anila’y “bloated” bureaucracy.
Sabi ni Go, iginagalang niya ang opinyon ng mga kapwa niya senador sa itinutulak niyang DDR.
“Nirerespeto ko ang mga opinyon ng ilang mga kasamahan kong mambabatas hinggil sa panukalang Department of Disaster Resilience. “ pahayag ni Go.
“Ako naman ay palaging bukas at handang makinig sa mga suhestyon ng mga kasamahan ko upang mas lalong mapabuti ang mga panukalang ipinaglalaban natin. “ dagdag pa ng senador.
Muling iginiit ni Go ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Departamento na tututok sa paghahanda ng anumang kalamidad at pagtugon sa epekto nito sa kabuhayan at lagay ng mga biktima ng delubyo.
Naniniwala naman ang senador na napapanahon nang talakayin ang panukalang DDR na aniya ay may anim na mga kahalintulad na bill ang nakabinbin sa mataas na kapulungan.
“ This is why I am urging my colleagues in the Senate to act on this proposed measure. Let us deliberate on it and let the legislative process take its course. I am sure other Senators, subject matter experts, and executive officials can also contribute to the discussions on how to improve further the mechanisms in making our country more prepared, responsive, and disaster-resilient.” saad ni Go.
“Sa pagkakaalam ko, merong at least anim na mga similar bills now pending in the Senate that were filed by our other colleagues. Sa HOR naman, ipinasa na rin ang bersyon nila noong Setyembre”, wika ni Go.
“Ang Pangulo rin mismo ang nagsabi na prayoridad niya ito.
Para sa akin naman, kailangan nating intindihin na parte na ng buhay natin ang mga kalamidad at sakuna. Huwag na natin pang intayin na may dumating pang mas malalang krisis bago tayo umaksyon” dagdag pa ng senador.
Para kay Go, mahalagang maging maagap ang gobyerno sa pagtugon sa mga pangangailangan ng publiko sa gitna ng mapanghamon na panahon.
“We should be more proactive in improving further our mechanisms to ensure that the whole government is responsive to the needs of our people amid changing times.” Wika ng senador.
Sa panahon aniya ng kalamidad at mga sakuna ay kailangan malinaw ang pagtugon ng bawat ahensiya ng pamahalaan na ang tungkulin ay pangalagaan ang kapakanan ng mamamayan na nalantad sa krisis dulot ng mga sakuna.
“Isang aspeto na dapat natin mas maisaayos pa ay ang inter-agency coordination. Ito ang dahilan kung bakit matagal ko nang inirerekomenda at paulit-ulit ko nang sinasabi na dapat magkaroon ng isang departamento na may secretary-level na in-charge para mayroong timon na tagapamahala ng preparedness, response, and resilience measures pagdating sa ganitong mga krisis at sakuna”, wika ng senador.
“Kung gaano kabilis at kadalas ang pagdating ng krisis sa ating bansa, dapat lamang na maging mas mabilis, mas maayos, at mas maaasahan ang serbisyo natin upang maprotektahan ang kapakanan at buhay ng bawat Pilipino.” Pagtatapos ni Go.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.