Taxi groups, magpoprotesta kontra sa flagdown rate cut

By Jay Dones March 16, 2016 - 04:23 AM

Inquirer file photo

Nakatakdang maglunsad ng nationwide protest ang mga taxi driver ngayong araw upang iprotesta ang kautusan ng LTFRB na ibalik sa 30 pesos ang flagdown rate sa mga taxi.

Tatlong taxi groups ang naghain ng kanilang pagkontra sa naturang direktiba ng board.

Kabilang na dito ang grupong  Samahan ng Tsuper at Operator ng Pilipinas Genuine Organization o Stop and Go, Philippine National Taxi Operators Association o PNTOA at Drivers Unite for Mass Progress and Equal Rights o DUMPER.

Giit ni Jun Magno, presidente ng grupong Stop and Go, malaki ang mawawala sa kita ng mga driver sa kautusang ito ng LTFRB.

Bukod sa pagbaba sa flagdown rate aniya lalo pang mababawasan ang kita ng mga driver sa pagbabawas din ng running time rate na P3.50 kada 500 metro mual sa dating 300 metro.

Hiling ng grupo, ibalik sa P40 pesos ang flagdown rate ng mga taxi.

Upang iparating anila ang kanilang pagkadismaya, nakatakdang magprotesta sa tanggapan ng LTFRB bukas ang mga driver at operator ng taxi sa East Avenue sa Quezon City.

Ilan pa sa mga miyembro ng kanilang grupo ang lalahok din sa protesta sa Iloilo, Cebu at Davao.

Samantala, ayon naman kay Alex Versoza, agad silang maghahain ng motion for reconsideration sa LFRB upang baligtarin ang March 8 order nito na nagbabalik sa 30 pesos ang flagdown rate sa taxi.

Paliwanag ni Versoza, dahil sa utos na ito ng ahensya, mababawasan ng hanggang sa P1,300 ang kita ng mga taxi driver sa araw-araw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.