Batay sa mga paunang resulta nagwagi ang incumbent president sa Alabama, Arkansas, Indiana, Kentucky, Mississippi, Oklahoma, Tennessee at West Virginia.
Noong 2016 ay nagwagi din si Trump sa nasabing mga estado.
Si Biden naman ang nagwagi sa Connecticut, kaniyang home state na Delaware, sa Maryland, Illinois, Massachusetts, Rhode Island, Vermont, Virginia at New Jersey.
Sa nasabing mga estado nagwagi noong 2016 elections si Hilary Clinton.
Sa ngayon, si Biden ay mayroong 88 electoral votes at si Trump ay mayroong 63.
Masyado pang maaga para masabi kung sino ang nanalo dahil 270 ang magic number para sa electoral votes.