Inisyal na resulta ng eleksyon sa US unti-unti nang pumapasok
Sa nagpapatuloy na eleksyon sa Amerika, mahigpit pa rin ang labanan nina US President Donald Trump at Democratic challenger Joe Biden.
Batay sa mga paunang resulta nagwagi ang incumbent president sa Alabama, Arkansas, Indiana, Kentucky, Mississippi, Oklahoma, Tennessee at West Virginia.
Noong 2016 ay nagwagi din si Trump sa nasabing mga estado.
Si Biden naman ang nagwagi sa Connecticut, kaniyang home state na Delaware, sa Maryland, Illinois, Massachusetts, Rhode Island, Vermont, Virginia at New Jersey.
Sa nasabing mga estado nagwagi noong 2016 elections si Hilary Clinton.
Sa ngayon, si Biden ay mayroong 88 electoral votes at si Trump ay mayroong 63.
Masyado pang maaga para masabi kung sino ang nanalo dahil 270 ang magic number para sa electoral votes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.