3-day old na sanggol sa Cagayan nahawa sa COVID-19
Nahawa sa COVID-19 ang isang 3-day old na sanggol sa Cagayan.
Ang tatlong araw pa lamang na sanggol na si CV 2886 ay nahawa sa kaniyang ina na si CV 2800.
Sila ay residente ng Vista Del Rio Alimanao, Penablanca.
Naka-admit ngayon sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) ang mag-ina.
Samanatla, isang admin assistant ng CVMC ang nagpositibo din sa sakit.
Nahawa ang empleyado ng ospital kay CV 2789 na kaniyang katrabaho.
Sa pinakahuling datos ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU), bumaba na sa 94 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Cagayan matapos magnegatibo na ang sampung (10) pasyente kahapon kahapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.