Pinakamataas na ridership naitala sa MRT-3 kahapon simula nang magbalik-operasyon ito noong June 1
Nakapagserbisyo ng kabuuang 104,346 na pasahero ang MRT-3 kahapon, Nov. 3.
Ito na ang pinakatamaas na bilang ng mga commuters na sumakay ng tren simula nang magbalik-operasyon ito noong June 1, 2020.
Ito ay resulta ng mas pinataas na passenger capacity, mas mabilis na pagbiyahe ng mga tren at pagkakaroon ng mataas na bilang ng mga running at operational na train sets sa linya.
Magugunitang itinaas ang train capacity ng MRT-3 sa 30% (124 na pasahero kada train car, 372 na pasahero kada train set) mula sa dating 13% (51 na pasahero kada train car, 153 na pasahero kada train set).
Mas pinabilis din ang takbo ng mga tren ng 50kph, mula sa dating 40kph, simula noong Nov. 2.
Dahil dito, nabawasan ang average headway o oras sa pagitan ng mga tren mula 8.5-9 na minuto sa 20 tren, pababa ng 4-5 minuto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.