Batay sa ulat na isinumite ni acting commander ng 3rd Boat Attack Division kay WestMinCom Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., habang nagsasagawa ng search and retrieval operation ang mga tauhan ng Philippine Navy lulan ng aboard BA491 ay namataan nla ang bangka na ginamit ng mga miyembro ng Abu Sayyaf Kidnap For Ransom Group sa Sulare Island.
Wasak na ang bangka at hati sa gitna at nang makita itong palutang-lutang.
Ayon kay Vinluan, hinanap ng mga sundalo ang kalahating bahagi ng bangka at nakuha doon ang samu’t saring mga armas at mga gamit.
Bago ang pagkaka-recover sa bangka, sinabi ni JTF Sulu Commander Maj. Gen. William Gonzales na nagkaroon ng engwentro sa pagitan ng mga sundalo at mga ASG members na sakay ng naturang bangka.
Tumagal ng halos kalahating oras ang sagupaan na ikinasawi ng pitong bandido.
Kabilang sa napatay ay si Madsmar Sawadjaan, kapatid ng notorious bomber na si Mundi Sawadjaan.