Suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng Albay aabutin pa ng 1 hanggang 2 linggo bago maibalik

Aabutin ng isa hanggang dalawang linggo bago maibalik ang suplay ng kuryente sa ibang bahagi ng Albay.

Sa inilabas na update ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), nananatiling walang suplay ng kuryente sa buong Camarines Sur, Camarines Norte, Albay at Sorsogon.

Sinabi ng NGCP na sa Nov. 10 at Nov 17 ang target restoration sa ilang transmission lines sa ilang bahagi ng Albay.

Naga-Daraga (Nov. 10)
Naga-Tiwi C (Nov. 17)
Labo-Naga L1 (Nov. 17)
Labo-Naga L2 (Nov. 17)

Sa iba pang lugar na wala pa ring kuryente ay patuloy pa ang assessment na ginagawa ng NGCP.

 

 

 

 

 

Read more...