ISIS inako ang pag-atake sa Veinna

By Dona Dominguez-Cargullo November 04, 2020 - 06:41 AM

Inako ng Islamic State ang responsibilidad sa magkakahiwalay na insidente ng pag-atake sa Vienna, Austria.

Apat ang nasawi sa naturang insidente na nangyari sa anim na magkakaibang lokasyon sa Vienna.

Sa inilabas na pahayag ng IS sa Amaq News Agency sinabi nitong sila ang nasa likod ng pag-atake.

Kalakip ng mensahe ang larawan ng isang lalaki na tinukoy bilang si “Abu Dagnah Al-Albany”.

Siya umano ang umatake sa maraming tao sa central Vienna gamit ang baril at machine gun bago siya napatay ng mga otoridad.

 

 

 

 

 

TAGS: Austria, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, ISIS, Islamic State, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Vienna, vienna attack, Austria, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, ISIS, Islamic State, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Vienna, vienna attack

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.