Tropical Storm Siony mabagal pa rin ang kilos; Signal No. 1 nakataas sa sa bahagi ng Cagayan at Babuyan

Nanatiling mabagal na kumikilos sa Philippine Sea si Tropical Storm Siony.

Sa 5AM weather bulletin ng PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa layong, 700 kilometers East ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 1-5 kilometers bawat oras.

Mabagal pa din ang kilos ng bagyo sa direksyong South Southwest.

Bukas ng gabi o sa Biyernes ng umaga ay lalapit ang sentro ng bagyo sa Batanes at Babuyan Islands.

Inaasahang lalakas pa ito at magiging severe tropical storm sa susunod na 24 na oras o bago mag-landfall sa Batanes o Babuyan area.

Nakataas na ang tropical cyclone wind signal number 1 sa northeastern portion mg mainland Cagayan kabilang ang bayan ng Santa Ana at Gonzaga at sa eastern portion ng Babuyan Islands.

Ang trough ng bagyong Siony ay maghahatid ng mahina hanggang katamtaman at kung misan ay malakas na buhos ng ulan sa Aurora, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, at eastern portions ng Cagayan at Isabela.

 

 

Read more...