Itbayat, Batanes niyanig ng magnitude 4.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang lalawigan ng Batanes.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 14 kilometers northeast ng bayan ng Itbayat, ala-1:59 madaling araw ng Miyerkukles (November 4).

May lalim na 105 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Read more...