Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.
Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Martes (November 3, 3:00 PM) nakapagtala ng 370 na bagong kaso kaya pumalo na sa 54,511 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 15,126
Laguna – 15,155
Batangas -9,463
Rizal – 10,977
Quezon – 3,790
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 7,531.
Nasa 45,531 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 526 na bagong recovery.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 12,705
Laguna – 13,418
Batangas – 8,417
Rizal – 8,776
Quezon – 2,215
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 9 kaya umabot na sa 1,449 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 397
Laguna – 313
Batangas – 273
Rizal – 357
Quezon – 109
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay