Kaso ng COVID-19 sa Western Visayas, sumampa na sa 17,000
Nagpositibo ang 184 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.
Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang November 3, umakyat na sa 17,173 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
3,052 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Sinabi nito na 78.74 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.
160 naman ang gumaling pa kaya 13,716 na ang total recoveries sa Western Visayas.
Umakyat naman sa 405 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.