Tropical Storm #SionyPH, napanatili ang lakas habang nasa Philippine Sea

By Angellic Jordan November 03, 2020 - 11:54 PM

Napanatili ang lakas ng Tropical Storm Siony, ayon sa PAGASA.

Batay sa huling severe weather bulletin, huling namataan ang bagyo sa layong 665 kilometers Silangan ng Basco, Batanes dakong 10:00 ng gabi.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 105 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers per hour sa direksyong Silangan.

Sinabi ng PAGASA na lalakas pa ang bagyo at magiging severe tropical storm sa susunod na 24 hanggang 36 oras.

Inaasahang lalapit ang sentro ng bagyo sa Batanes at Babuyan Island sa pagitan ng Huwebes ng gabi, November 5, at Biyernes ng umaga, November 6.

Hindi pa rin inaalis ng weather bureau ang posibilidad na mag-landfall ang bagyo sa mga naturang lugar.

Ayon sa PAGASA, lalabas ang bagyo ng Philippine Area of Responsibility sa Biyernes ng hapon o gabi.

TAGS: Bagyong Siony, breaking news, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, sionyph, Tropical Storm Atsani, Tropical Storm Siony, weather update November 3, Bagyong Siony, breaking news, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, sionyph, Tropical Storm Atsani, Tropical Storm Siony, weather update November 3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.