Tuluyan nang nakalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm Rolly.
Batay sa severe weather bulletin ng PAGASA, nakalabas ng bansa ang bagyo bandang 8:00, Martes ng gabi.
Huling namataan ang bagyo sa layong 615 kilometers Kanluran ng Subic Bay sa labas ng bansa dakong 10:00 ng gabi.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometers per hour.
Mabagal ang pagkilos ng bagyo sa direksyong Kanluran.
Ayon sa PAGASA, patuloy na tatahakin ng bagyo ang direksyong pa-Kanluran o Kanluran Timog-Kanluran patungo sa southern portion ng Vietnam.
Posibleng humina ang bagyo at maging tropical depression bago mag-landfall sa southern Vietnam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.