56 pang COVID-19 recoveries, naitala sa Central Visayas

Nagkaroon pa ng 20 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang November 3, 22,532 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.

Sa naturang bilang, 984 ang aktibo pang kaso.

Umabot sa 56 ang bagong gumaling kung kaya 20,201 na ang COVID-19 recoveries.

Lima naman ang bagong napaulat na nasawi sa nasabing rehiyon.

Dahil dito, 1,347 na ang bilang ng mga pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...