U-turn slot malapit sa Dario Bridge at Nissan North EDSA, isasara simula Nov. 9
Isasara ang U-turn slot na malapit sa Dario Bridge at Nissan North EDSA, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sinabi ng ahensya na isasara ang nasabing U-turn slot simula sa araw ng Lunes, November 9.
Paliwanag nito, isinasara ang mga U-turn slot sa EDSA kasabay ng aksyon ng ahensya upang mapabilis ang biyahe ng commuters sa EDSA Carousel Bus Routes.
Pinayuhan naman ang mga motorista na maaaring dumaan sa alternatibong ruta sa Oliveros Drive U-turn slot sa harap ng Shell Gas Station.
Humingi naman ang MMDA ng kooperasyon at pang-unawa sa publiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.