Mangingisdang nalunod sa bahagi ng Laguna de Bay, natagpuan ng PCG

By Angellic Jordan November 03, 2020 - 07:05 PM

PCG photo

Natagpuan ng Philippine Coast Guard (PCG) na wala nang buhay ang isang mangingisda malapit sa C6 Road, Barangay Hagonoy sa Taguig City, Lunes ng gabi.

Ayon sa PCG, nalunod ang biktima sa bahagi ng Laguna de Bay.

Sinabi ng kasama nitong mangingisda na nakaligtas sa insidente, sinalubong sila ng malakas na alon habang nakapalaot.

Ito aniya ang naging dahilan ng pagtaob ng kanilang bangka.

Agad namang nakipag-ugnayan ang PCG sa pamilya upang mai-turnover ang labi ng biktima.

TAGS: Inquirer News, Laguna de Bay, PCG operations, Radyo Inquirer news, Inquirer News, Laguna de Bay, PCG operations, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.