ABS-CBN News channels sa YouTube, naibalik na

Matapos ang pakikipag-ugnayan sa YouTube, naibalik na ang ABS-CBN News at ANC 24/7 channels, Martes ng hapon (November 3).

Base sa inilabas na pahayag ng TV network, ganap na 3:58 ng hapon naibalik ang kanilang YouTube channels.

Pansamantalang nasuspinde ang dalawang news channel simula 6:30 ng umaga dahil sa hacking incident.

Sinabi ng TV network na patuloy pa rin ang isinasagawa nilang imbestigasyon upang hindi na maulit ang naturang insidente.

“ABS-CBN remains committed to provide news and information to our countrymen, particularly over these trying times as we recover from the effects of Super Typhoon Rolly and prepare for another incoming weather disturbance,” pahayag ng TV network.

Nagpasalamat naman ang ABS-CBN sa suporta at pang-unawa ng publiko.

Read more...