Bagyong #RollyPH, nasa bahagi pa ng western boundary ng PAR

By Angellic Jordan November 03, 2020 - 05:36 PM

Photo grab from DOST PAGASA website

Nasa loob pa rin ng bansa at nasa bahagi ng western boundary ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm Rolly.

Sa weather forecast ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 435 kilometers North Northeast ng Pagasa Island, Palawan dakong 4:00 ng hapon.

Ayon kay PAGASA weather specialist Chris Perez, walang direktang epekto ang bagyo sa anumang bahagi ng bansa.

Ngunit, may mga kaulapan aniya sa western seaboard ng Luzon kung kaya pinag-iingat ang mga papalaot sa bahaging ito.

Sinabi pa nito na inaasahang lalabas ng teritoryo ng bansa ang bagyo, Martes ng gabi (November 3).

TAGS: breaking news, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, RollyPH, Tropical Storm Goni, Tropical Storm Rolly, weather update November 3, breaking news, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, RollyPH, Tropical Storm Goni, Tropical Storm Rolly, weather update November 3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.