Malacañang kinondena ang vandalism sa People Power monument

By Alvin Barcelona March 15, 2016 - 07:38 PM

People-Power-Monument-Vandalism-11-620x826
FB post

Umalma ang Malacañang sa ginawang bandalismo sa Edsa People Power Monument.

Reaksyon ito ng palasyo sa pagsusulat ng katagang “Marcos pa rin” sa  pang ibabang bahagi ng monumento sa kanto ng Edsa at White plains at malapit sa Kampo Aguinaldo.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, ang ginawang pambabastos sa Edsa monument ay tiyak na ikakagalit ng kanilang mga boss.

Ang mga Boss, ayon kay Coloma ay ang mga nagkaisang nanindigan sa Edsa laban sa puwersa ng diktador at determinado na ibalik ang demokrasya sa bansa.

Ang Edsa People Power monument ay isina-ilalim kamakailan sa pagsasa-ayos bilang bahagi ng 30th anniversary ng People Power noong nakalipas na buwan ng Pebrero.

TAGS: edsa, Malacañang, People Power Monument, edsa, Malacañang, People Power Monument

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.