BREAKING: Mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa 387,161

Mahigit 1,700 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (November 3), umabot na sa 387,161 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 30,876 o 8.0 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,772 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

82.5 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 10.0 porsyento ang asymptomatic; 2.7 porsyento ang severe habang 4.8 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 49 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 7,318 o 1.89 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 153 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 348,967 o 90.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...