Maritime operations, balik na sa normal

Balik na sa normal ang lahat ng maritime operations sa bansa.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), naging normal ang maritime operations bandang 8:00, Martes ng umaga (November 3).

Sinabi ng PCG Command Center na wala nang napaulat na stranded na pasahero, drivers, cargo helpers, vessels, motorbancas o rolling cargoes sa lahat ng pantalan sa bansa.

Matatandaang may mga na-stranded na pasahero at sasakyang-pandagat dahil sa Bagyong Rolly.

Read more...