Temporary isolation facility sa Bukidnon, pinasinayaan na
Pinasinayaan na ang isang temporary isolation facility sa Bukidnon.
Pinangunahan ito ng Munisipyo ng Damulog sa bahagi ng Barangay Poblacion.
Ang naturang pasilidad ay mayroong 16 kwarto na may kanya-kanyang comfort room at kitchenette.
Ang proyekto ay kabilang sa sub-projects sa ilalim ng DSWD Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Services (KALAHI-CIDSS).
Bahagi ito ng aksyon laban sa COVID-19 pandemic na gagamitin para sa mga indibidwal na sumasailalim sa quarantine protocols.
Sinabi ng DSWD na asahan ang pag-turnover ng iba pang sub-projects hinggil sa COVID-19 sa iba pang lokal na pamahalaan sa mga susunod na linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.