226 eskwelahan, nasira dahil sa Bagyong Rolly

Photo grab from PCOO’s Facebook video

Aabot sa 226 na eskwelahan ang nasira dahil sa Bagyong Rolly.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na 869 naman ang ginagamit na evacuation center mula sa 44 na school divisions.

Katumbas ito aniya ng 4,367 na silid-aralan at nagkakahalaga ng P489 milyon.

Kabilang sa mga nasira ang mga eskwelahan sa Regions I, II, IV-A, IV-B, V,at VIII at Cordillera Administrative Region.

Ayon kay Briones, nagpadala na ang DepEd ng mga engineer at disaster risk reduction management coordinator para magsagawa ng assessment sa mga nasirang eskwelahan.

Sinabi pa ng kalihim na aabot sa mahigit 21,000 na pamilya ang nanatili sa mga eskwelahan.

Kasabay nito, umaasa si Briones na magkaroon na ng sariling evacuation center ang mga local government unit para hindi na magamit ang mga silid-aralan.

Read more...