Asahang makararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Central Luzon at CALABARZON.
Batay sa thunderstorm advisory dakong 1:33 ng hapon, katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin ang iiral sa Cavite, Laguna at Zambales.
Uulanin din ang Tagkawayan at Guinayangan sa Quezon.
Ayon sa weather bureau, iiral ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.
Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.
MOST READ
LATEST STORIES