Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 22,730 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod hanggang araw ng Martes (Nov. 3).
Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 777 o katumbas ng tatlong porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
21,299 o 94 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 654 o tatlong porsyento ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 19,758 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES