Ayon sa mambabatas, nakikipag-ugnayan na siya sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Health (DOH) para sa agarang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga senior sa Bicol Region, Calabarzon, Metro Manila at Central Luzon.
“Tinutukan ko sa telebisyon, radyo at social media ang mga pangyayari at tunay naman na nakakapanlumo ang mga imahe…mga bahay na natabunan ng putik, mga tao na kinailangan nang umakyat sa bubungan ng bahay para makaligtas sa rumaragasang baha, mga napinsalang bahay at nasirang ari-arian,” sabi ni Ordanes.
Nakasaad anya sa Republic Act No. 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010 na prayoridad mabigyan tulong ang mga nakakatanda, partikular na ang mga gamot, pagkain at kanilang mga pangangailangan.
Una nang sumulat si Ordanes kay Pangulong Duterte para payagan na rin makalabas ang mga ‘senior’ na nasa edad hanggang 70 pagsapit ng Disyembre.
“Sana sa pagsapit ng Disyembre o mas maaga pa, payagan na ang mga seniors up to 70 years old na lumabas ng kanilang mga tahanan para sa makabili ng gamot sa botika, makabili ng pagkain at inumin, makapagsimba, at makita ang mga anak, apo, pamangkin, at inaanak,” katuwiran ng mambabatas.