Benepisyo ng mga manggagawa sa ilalim ng Bayanihan 2 ipinabibigay ni Pangulong Duterte bago mag-Pasko

By Chona Yu November 03, 2020 - 12:04 PM

Photo credit: Sen. Bong Go

Pinatitiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Labor Secretary Silvestre Bello III na maibibigay ang benepisyo ng mga manggagawa bago pa man sumapit ang Pasko.

Tinutukoy ng pangulo ang dagdag na P 2 bilyon na inaprubahan sa Bayanihan 2 para sa mga manggagawa na hindi nakasama sa mga naunang Social Amelioration Program o SAP ng pamahalaan na naapektuhan ng pandemya sa COVID-19.

Nais ng pangulo na matiyak na may maipanggagastos man lang ang bawat pamilya sa Pasko.

Sadyang mahirap aniya ang buhay ngayon kung kaya mahalaga na may mahawakan man lang kahit na kaunting pera ang mga manggagawa bago mag-Pasko.

Tugon naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III, nakakasa na ang pamamahagi nila ng pondo sa mga benepisyaryo at pinakamaagang mapasisimulan ito sa November 15 o 20 ngayong taon.

Ayon kay Bello, bago pa man sumapit ang Pasko, tiyak na naipamahagi na nila ang pondo.

Sa ilalim ng Bayanihan 2, may kabuuang P13 billion na pondo ang DOLE para sa kanilang CAMP o COVID-19 Adjustment Measure Program, Tupad o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged o Displaced Workers Program at AKAP Program o one-time financial assistance para sa mga OFW.

 

 

TAGS: Bayanihan 2, Breaking News in the Philippines, DOLE, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Bayanihan 2, Breaking News in the Philippines, DOLE, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.